Drag Race Philippines S1E2 “Sagalamazon” The Ru-watch

The inaugural season of Ru Paul’s Drag Race Philippines may be over but it’s not over for us here at Amiciness. We’ll be doing a re-watch of the whole Season 1 of #DragRacePH every week, continuing with the 2nd episode “Sagalamazon” Drag Race Philippines S1E2. Babalikan natin ang saya ng palo sebo, Flores de Mayo design challenge, and some of this season’s most iconic lines. So buckle up and may the best Filipina drag queen win! Again! Mabu-Heeey!

Dear readers/ listeners, please note that Gabby (GP) is watching thru HBO Go while Gillian (GD) is a proud subscriber of Discovery Plus. Let’s start with the Ru-watch! Ready-Set-Go!


After Prince’s Elimination

GP: Bat parang ka boses ko ‘yung Oh My God. The shoesssss. 

GD: Medyo nga haha.

GD: Lahat naman sila naka-terno. So lahat sila dapat hirap mag-lipsync ng Tala no. Di ka special Lady M. CHAR!

GP: Oooh. 17 Years. Patuloy ang Dalagyon! Please define Dalaygon.

GD: “Bless you” raw sabi ng subtitles.

GP: Akala pala ni Minty si Vinas. Yan yung wig ni Minty na parang parating wet look haha.

GP: Totoo ba? Char. 

GD: Kung bulletin board realness sana yung theme, nanalo sana si Turing. CHAR ulit!

GD: Spoiler alert: safe ulit si Brigiding.

GP: Corazon to Lady Morgana “Bakit aabot ka ba dun? (Snatch Game)”  WOAH.

GP: Katawa yung ENERGY! Kasi naman nagbreak ng fourth wall si Gigi Era.

GD: May prayover palang naganap sabi ni Corazon. Pero joke lang pala ang lahat… for the drama.

GP: Joke pero may prayover. HAHA.

GP: Bakit kaya Sampaguita for Flores de Mayo? HAHA the disconnect. Sto Nino realness ba?

GD: Alam kaya ni Ru Paul kung ano ang sampaguita.

GP: Lagi pala naka jumpsuit si Mama Pao.

GP: OMG favorite ko to. Ay mas mas favorite ko pala yung isa.

GD: Yung Chinese garter no? Pero fun din to.

GP: Yes na mixup ng memory ko. PE uniform ang theme.


Mini-challenge: Palong-palo Sebo (+ Pit Crew Introduction)

GD: Nakita sa likod yung Pit Crew bago umenter haha.

GP: Wait sino ang pinaka maganda ang PE uniform? Evaluate natin.

GP: Lady Morgana mukhang ang PE nya ay ballroom dancing. 

GD: Very dancesport. Yung kay Precious din parang pang-figure skating naman. Si Corazon very 80’s aerobics instructional video.

GP: Si Minty mukhang cyclist. 

GD: Mukhang hindi yata malinaw yung brief na binigay sa kanila.

GP: Si Gigi Era HAHAHAHA.  

GD: Si Vinas cheerdancer na paalis na from dance practice kasi naka-Birkenstocks na.

GP: Skip na tayo kay Eva. Si Eva parang magpapainom. 

GD: Very mga tambay na naglalaro ng basketbol sa kanto. Pero naka-heels.

GP: Si Mama Xil very Serena Williams.

GD: Grabe ka kay Serena. Love ko yung outfit ni Marina. Very sosyalera.

GP: Okay game. Si Marina talaga winner. Hahaha.

GP: First time lumabas ang Pit Crew noh? Sino fave Pit Crew mo?

GD: Yuh ito ang first introduction nila. Fave ko yung chinito na may tattoos, nakalimutan ko name. Ikaw, who’s your fave?

GP: Ricardo <3

GD: Parang ang dali lang nakuha ni Gigi Era yung flag. Very koala nga.

GP: Parang ang saya mag-palosebo. Patayin ko lang MS Teams ko. Wait. AHHA.

GD: Go. Mag-do not disturb ka na.

GP: Tawang tawa ako sa “ganito kasi sa university namhen.” HAHAHA. Sana kunin si Lady M sa S2.

GD: Siya talaga funniest this season. May appearance naman usually ang Miss Congeniality sa future season/s.

GP: Pang-yoga pala kay Marina. 

GD: Nakakatawa yung mga “Aaaaayyyyyyy!!!” ng audience hahaha

GP: Nakakatawa ‘yung dance ni Mama Xil. Para siyang magtitinda ng Mekeni hotdog.

GD: Saang banda yung K-pop dancer? Paki-explain nga. Nanay ni San Cai!

GP: Ayan na kaya nairita si Turing HAHA.

GP: Fave ko ung outtake na yun. 

GD: Parang naiirita na rin ako.

GP: Ang sama ni Mama Pao sa 10 minutes. HAHA.

GD: Anong masasabi mo na tinawag nilang lechon si Turing? Is it a cancellable offense? Though parang wala namang umalma sa Twitter nung pinalabas yung episode.

GP: Ba’t nga walang umalma? Pero keri lang. Haha. Not cancellable offense. IMO.

GP: Nakakatawa to nung una. Pero rewatching hindi na. AHHA

GD: Corazon ang fastest time. Feeling ko hindi naman related yung confessional clip ni Turing sa pagkapanalo ni Corazon ng mini-challenge.

Mini-challenge Winner: Corazon


Maxi-challenge: Sagalamazon (Design Challenge)

GP: Sana di na lang design challenge to. Maganda sana yung theme kung Flores De Mayo talaga na bongga.

GD: Fully out of flowers?? Bakit may art materials? Gulo ng brief ha. Hahaha

GP: Design challenge pero puro school supplies.

GD: Yuh baka kinulang ng budget sa flowers. Pandagdag lang yung ibang supplies haha.

GP: Sana di na lang real flowers. IDK. Not a fan of this theme. Confusing.

GD: Gulo rin yung judges kasi nung una “Sagala Extravaganza” ang tawag. Sa dulo naging “Sagalamazon” na.

GP: Eto na airtime ni Mama Xil. 

GD: Xilhouete, parang National Costume competition lang yan. Kahit maraming message pero di pa rin ganun kaganda, hindi pa rin effective yung damit.

GP: Eto na din start ng pag build up kay Brigiding. As brandless.

GP: Si Vinas lang prepared ang damit sa confessional.

GD: Never akong nag-escort. Di ko rin maalala kung nakapanood na rin ako ng sagala.

GP: WHAT!? Haha ako yes nung bata pero ilang meters lang.

GP: What is Sing and Dance?

GD: Sila lang ang nakakaalam.

GP: Ay ayan na si Rajo. Barfs. Tingin mo nanunuod talaga si Rajo ng Drag Race?

GD: Oo. Ang extent ng drag knowledge ni Rajo ay ang panonood ng Drag Race. Feel na feel niya ang pagiging Michelle Visage.

GP: Very Project Runway etong mga eksenang ito.

GD: O ayan ha. “Glue gun is your best friend” daw. Magbago kaya ang isip niya in the future? Abangan.

GP: Moral of the story. Don’t overhype sa werk room.

GP: “Actually kulang ang oras.” – Corazon AHHAHAA

GD: In fairness sa editing na yun. Juxtaposition!

GP: Naggigisa ba with leaves?

GD: Dahon ng laurel? For adobo?

GP: Friend na lang si Glue Gun 🙁

GD: Demoted from best friend.

GP: May value ba talaga yung consultation. Char.

GD: For camera purposes lang siguro? Haha.

GP: Chicken wire. For everyone’s reference

GP: I love the big girls talaga ang pambungad. First meeting. HAHA

GD: Sarap manakit. Char. No to violence.

GP: Yan ang cancellable offense.

GP: Can he really see it?

GP: Define Pakak.

GD: Grabe naman sila sa funeral flowers. Haha.

GP: Grabe ang segue from kilay to coming out stories.

GD: Drag race staple yan. Bigla-biglang may emotional chorva. Yung sa US ginagawa nila para makakuha ng Emmy. Ewan ko sa PH kung para saan hahaha

GP: Anong school yan?

GD: Top student daw siya.

GP: Galing talaga ni Eva.

GD: Thank you Eva for the summarization.

GP: May processing, conclusion and recommendation.

GD: Hay nako. Susuportahan ka lang pag kumikita ka na at nabibigyan na sila. Kailan kaya magbabago yan?

GP: Ayan na nakakaiyak yang kay Gigi.

GD: Older generation kasi si Gigi. Wala pa talagang LGBTQIA+ education or media noon, at least locally.

GP: Ganda ng cinematography dito. Palong palo. Parang mythical creature si Marina Haha.

GD: Hahaha. Buti hindi sila na-distract.


Runway

GD: Di ko masyadong gusto yung suot ni Paolo. Di masyadong kita yung butterfly.

GP: Second pig joke.

GP: Bat kaya si Pokwang ang napili. Pero keri lang.

GP: Sagalamazon? Haha Wala na bang puns.

GP: Maganda naman yung kay Minty. Maganda ang integration ng flowers sa mga non-organic materials.

GD: Bagay din yung short wig. Very rockstar.

GP: Pati ung leggings in fair.

GD: Maganda rin sana yung kay Brigiding, pero hindi sagala at all.

GP: Literal na bouquet. Pano siya naging safe dun. She’s pussy in pink? Wtf.

GP: Mali lagi timing. Or baka sadya.

GP: Ang mali ni Turing may hawak din siyang flowers. Di naman ganun ang sagala.

GP: Parang di dapat safe si PPN pero after nya sinabi ang inspiration. Mas nagets naman.

GD: OMG yung kay Gigi. 

GP: Ano ruveal dun? 

GP: Plantitis? Wala naman plant sa suot ni Gigi Era. Mema lang tong mga to. Ay meron pala sa hem ng skirt. Pero kahit na. 

GD: Yes meron sa baba. Naubusan ng materyales. Pero ganun talaga mag-comment, usually may puns kahit wala masyadong konek sa mga ganap hahaha.

GP: Kay Marina, parang blue na tsaa. Ano ung bulalak yun?

GD: Butterfly pea something.

GD: Hindi rin masyadong sagala to. Pero maganda nga yung “color story.”

GP: Na confuse talaga sila sa brief.

GD: But where’s the flowers? Charot.

GP: In fair sa drag mother kong si Corazon, siya closest sa Sagala.

GD: Yes, proud drag daughter ka talaga.

GD: But where’s the story? Charot ulit.

GP: HAHA ano nga ung story? Parang di cohesive.

GP: Maganda naman kay Eva pero di masyado cohesive.

GD: Ito yung pinaka-sagala-ish for me, kasi at least may skirt part?

GP: Lady M ang Bulletin Board realness. 

GD: Ano yung parang beads sa may panty niya? Kasama ba sa materials yun?

GP: Kasi naman ang sagala di naman talaga sinusuot ang flowers.

GD: Maipilit lang ang theme.

GP: Obvious naman na winner si Vinas pero di nga very Sagala. 

GD: At least very full. Kahit hindi masyado flower-y. Hala nadapa!

GP: Ay grabe pala pag ka dulas niya.

GD: May foreshadowing din yan for later haha.


Judging

GD: Xilhouete, Marina, Eva, Brigiding, Lady M are all safe this week.

GD: Second week pa lang naman. Bakit naman “safe is a dangerous place” agad?

GP: Ayan na ang pagbuild up kay Brigiding as Safe.

GD: Hindi lang talaga siya bet ng judges.

GD: Very Micky Ferriols kaya fez ni Turing diyan.

GD: Second episode pa lang may ganitong tanungan na agad.

GP: Ayan si Corazon ang pinili ni Turing.

GD: May point naman si Corazon, maganda makeup niya haha.

GP: I gagged. I gooped. Totoo ba? HAHAHA. Video please.

GD: Love the cultural appropriation.

GP: Dapat shorter siguro skirt ni PPN.

GP: Anong brand ng glue gun nila kasi samin madali masira glue gun and di rin siya masyado madikit.

GD: Hala nasisi pa yung partner. Joke lang Mama Gigi.

GP: Girl ung pepe mo nakalabas. HAHAHAHA 

GD: May point si Tita Jiggly. Conservative tayo dito sa Pilipinas hahaha.

GP: Overdesigned ba yan. Wala namang design. 

GD: Wala ngang design. Kasi lahat ng naiwang materyales kinabit sa alambre.

GD: Ay nandyan pa pala si Pokwang.

GP: Parang ngayon lang siya nagsalita since Makahiya intro speech.

GP: Baka nag CR.

GD: Sana nga di na niya sinuot yung silver dress sa ilalim. Mas couture pa.

GP: Bat kasi di siya naglagay ng tela? Diba free for all naman un.

GD: Grabe si Mama Pao. Binuko pang may advantage siya. Ito na yung iconic “Where’s the flowers?”

GP: Ang dami din namang flowers. Pia Wurtzbach reveal lang.

GP: Talagang prayed talaga.

GD: Akala ko naestablish na kanina na joke nga lang. Gulo ng timeline ng production.

GP: Define Haute Couture.

GD: Ay hindi ko alam! Basta maganda! Haha.

GD: “We love a queen who thinks.” Magbago kaya ang opinyon ng judges in future episodes? Abangan.

GP: Ang daming abangan. HAHA.

GP: Actually, Minty’s was really good. I gagged. I gooped. Charot. Pinag isipan talaga.

GD: I gagged, I gooped too. Pero kulang talaga sa volume compared kay Vinas.

GP: I pooped.

GP: Body positivity pero lechown? Char.

GP: Jowang jowa na si Gigi. Pero ok sana look niya na Poison Ivy x Ariel.

GD: Ariel Rivera?

GP: Pwede ngang Ariel Rivera HAHAHA.

GP: The challenge is flowers pala talaga. Pero Sagala. 

GD: Wag na nilang gawin ulit to next season. At ayusin ang brief para di maguluhan ang queens.

GP: Di pa alam ni Jiggly ang Brand na word. Aesthetic pa.

GD: That’s the power of the glue gun!

GD: Nakaka-bother yung pepe ni Gigi. Front and center hahaha.

GP: Nabali na stem ni Vinas.

GD: Kahit nabali ang stem, condragulations pa rin, Vinas, because she won this week’s maxi-challenge.

GD: Spoiler alert: chaka yung Rajo Laurel gown.

GP: May house pala si Rajo. Drag mother?

GD: Fashion house yun hahahaha.

GP: Custom-made pero parang masikip. Char.

GP: Sana may update ng picture ng dress sa credits ahha.

GC: Hindi umabot sa finale.

GP: Bat kaya di natin nakuha ang Mija vs Hija sa Spanish colonizers.

GP: Stop making che che happen. Chas.

Maxi-challenge Winner: Vinas Deluxe

Bottom Two: Turing, Corazon


Lip sync for your Life

https://www.youtube.com/watch?v=rH6l2OgY1Vs

GP: Chona Cruz is in Bagets and Working Girls Movies. Thanks Google.

GD: Dahil sa DRPH ko lang nalaman na siya pala yung kumanta ng Working Girls theme song.

GP: Bat ganyan mga kanta noon noh. Haha. Ang random ng themes.

GD: Lip sync for your life talaga si Ate Turs. Mega kembot siya o! You can feel the determination.

GD: Kawawa si Corazon sa lip sync haha.

Eliminated: Corazon

GP: Bakit Shanty ung subs. Ashanty.

GP: Ano ba ibig sabihin ng cheche.

GD: Isa pa ring palaisipan: Sino ba talaga si Cheche?

GP: Sexbomb Cheche?

GD: Ahh foreshadowing for next episode? Get get awww.

GP: Di ko talaga gusto ung puso puso lines. Haha.

GD: Sinabi mo rin yan last week. So talagang hindi mo gusto haha.

GD: Ang hirap namang gamitin tong Discovery+.

GP: Mag-HBO ka na. Ka presyo naman. Naglalag yang Discovery+.


We’ll be back next week for the next episode of Ru Paul’s Drag Race Philippines Season 1, the ru-watch.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.